Oo. Tama. ‘Eto ang una kong blog. Ever. Naisipan lang. Sinipag? Haha. Noo.
Weird? Yea. I’m weird. Pero todo ‘yun kanina. Kakarating ko pa lang sa school, ang lakas na ng tama ko. Haha. Ginugulo ko na ‘yung kaklase ko(Top 1 siya. ‘La lang. ) Seatmate ko kasi siya e may seminar sila. Kaya wala ako kakausapin. ü
Ang hyper ko nung una. Tas nung nasa room na, parang wala nanaman ako sa mood. ‘Yun. Maya-maya hyper nanaman ako. ‘Eto pa. Kahihiyan. Haha. Wala kasi ‘yung Teacher namin sa English. Nasa seminar din. E ‘di may substitute. E ‘yung substitute, IDOL ko! Haha. Wala pa man din siya sa room namin, tumatalon na ako sa tuwa. Tas, nung pagpasok niya, grabe, sobrang saya ko naman na. Haha. At ‘eto pa. Naluha ako! Tears of joy? ‘Yun. ‘Di ko alam kung bakit. Haha. Pinagtinginan nila akong lahat. Kahiya. First time ko na nga iiyak sa school, dahil dun pa. Dahil sa IDOL ko na si Ma’am Daiyalyn(’di ko alam spelling). ‘Di ko rin alam kung bakit Idol ko siya. Siguro dahil napakagaling niya mag-english? Haha. Ka-nosebleed. At maganda siya. ü Pero, nakakahiya talaga ako. ‘Yun. Tinitigan ko siya ng todo. Haha. Pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko. Hmm.
Basta. Tapos, ‘yung training namin(Volleyball). First time rin na ganun. As in todo. Mag-imagine na lang kayo kung ga’no kahirap. Haha. Para akong naligo na ‘di nagpunas pagkatapos nun. Ayos lang naman. ‘Di ako masyadong nagrereklamo. Puwera lang sa epal na kaklase ko na nagtrain sa amin. Kaasar siya e. Hehe.
Ok. Natuwa naman ako nung pauwi na. Basta. Secret. ü Haha.
Dito lang muna. Bye. Toinks.
*Walang kwenta ang unang blog. Haha.
Posted in Uncategorized | No Comments »